MUST WATCH this video! Here are my friends and their classmates.. This is their entry for CgeTV Pinoy Summer, dabest forever! Watch it HERE. Yung sa CGETV kasi ang counted. Gora na!
Oo nga pala, andyan si Dolpo! Hahaha! Please please please watch this one. THANK YOU!
While we were waiting for Janica’s turn in counseling. Last VWE.
Missing these people! So much! Taken last year, ito yung pinagkakaabalahan namin nung bakasyon. Ang debut ni Dyan. Nakakamiss ang super bonding! Namiss ko na sila Tita Rhianne and her family. Daniel and Consue!
First FNY service for this year. Then ate at KFC with vgroup/co-lifebox members :)
I miss this person. A sister, bestfriend, teacher. Nakakamiss yung text brigade natin. Pano kasi, busy busyhan tayong pareho. Tila pinapatay na sarili sa pagkayod. Pero wag ka, nakakaakyat pa ng bundok yan. Mountain Climbing pa trip niyan sa lagay na yun.
Birthday ni Zik ngayon. Sigurado ko masaya naman SILA para sa’yo. Dahil naging matatag ka nung iwan ka nila, sabi nga ni ano di rin niya ginusto yung nangyari. Siguro hanggang dun na lang talaga sila. May mga times na tinetext ako nito, alam ko na kung bakit. Emo na naman eh. Di ko rin naman siya masisisi, masakit talaga mawalan ng 4 na kaibigan ng SUNOD-SUNOD. Para kang binawian at tinanggalan na din ng buhay kung tutuusin. Pero naniniwala ako sa kakayahan mo Ma’am, sa katatagan mo. Ipagpatuloy mo lang yan. Alam ko namang masaya sila para sa’yo, at sa narating mo.
Wag ka na emo. Di na uso sa’yo yan. Mag-date naman tayo, ulet! Buset, I miss the old times.
The Next Generation of TIP LifeBox Officers. HAHAHA! Joke lang. Bahala na si God kung ano yung plano niya. Wawa naman si Kuya Noel, haha walang shirt.
This is for the girl whom I shared the joys, tears, pains, and even the lucky and unfortunate moments of her life. Every precious moment with this person deserves to be treasured for a lifetime, for she is one of a kind and really a good friend and a sister.
Siya yung babaeng hindi lang basta basta maikukumpara sa iba. Nakasama ko ‘to sa loob ng walong taon na siguro at para sa’kin, siya yung maituturing kong TOTOO at TUNAY na kaibigan. Isa siya sa mga tunay na nakakakilala talaga sa’kin at alam kung ano yung mga kahinaan ko. Marami na nga siguro kaming napagdaanan para maging ganito katatag yung samahan namin bilang magkaibigan at halos magkapatid na din.
Since HS hanggang sa grumaduate kami, naging part siya ng buhay ko, nakita at tinulungan niya ‘ko kung pano mag-grow (emotionally). Berx Days, yung time na inoperahan siya at kinailangang umalis, DnP Days.. Lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan, sama-sama hinarap. Maraming natutunan at ang pinakaimportante sa lahat eh yung value ng friendship naging mas matatag.
Kapag nasasaktan ako, alam kaagad yun at paniguradong sermon na naman ako. Siya din yung taong unang nilalapitan ko kapag kailangan ko na ng magcocomfort sa’ken, kahit na gusto niya na akong sampalin kasi ayaw niyang naririnig o nakikita akong umiiyak dahil mas apektado pa siya. Haha! Yung taong pangungunahan ka ng mura, maisampal lang sayo yung katotohanan. Yung walang sawang nagpapaliwanag kung bakit kailangan mangyari pa yung mga bagay bagay. Malawak ang pag-iisip at higit sa lahat napaka-understanding.
Kung ano yung kinaikli ng pasensya ko, ganun naman yung ikinahaba ng kanya. (Alam ko pinagdadaanan mo ngayon) HAHA! Tunay na malusog… ang kanyang puso. Totoo yan Shiella! =)) Kaya naman ngayong kaarawan mo, isantabi mo muna lahat ng mga problema. Magpakatatag ka girl. Para sa’yo din yan. Nandito lang ako para paalalahanan ka, suportahan ka, at syempre pakinggan ka lagi. Happy Birthday ulit, Shiella Ann Lopera!
SINONG MAKAKAPAGSABI?!!!
Kaarawan ng kaibigan naming kabayo kagabi, at sa wakas nagkita-kita kami ulit. Sembreak na eh, nilubos lubos ang pagdiriwang kagabi! At ansaveh ng pagsusuka ng dalawang bakla? Ang pagme-matrix ni Dolpo at ang pag-iiskandalo ni paul? Hahaha! Ang saya lang. Bongga!